Page 67 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 67
⑤ Matutong ipahayag ang iyong pangangalaga at damdamin, Paano kung minsan hindi ko na
tulad ng: "Kapag umakyat ka sa sofa, mag-aalala ako baka
bumagsak at masaktan ka." alam ang pagkaka-iba ng respeto
at pagpapaubaya?
⑥ Gumamit ng mahusay na pakikiramay at makipag-usap nang
mas maayos, tulad ng: "Nais mo talagang makipaglaro sa
mga batang diyan, ngunit hindi ka nila pinapasali sa laro nila.
Nalulungkot ka at hindi nasisiyahan, hindi ba?"
⑦ Sa halip na mamintas ay patnubay at positibong paghimok ang
ipalit, halimbawa, pagkatapos ninyo ng anak mong magligpit
ng laruan: pwede mong sabihin"Ang galing mo naman, nailigpit
mo na ang lahat ng nilaro mong laruan." Iwasang magsabi
ng "Marunong ka lang maglaro ng laruan, hindi ka naman
marunong magligpit."
Ang mga bata ay lumalaki na kasama ang mga magulang,
dadagdagan ang panahon ng pakikipag-ugnayan sa bata, upang
higit na mauunawaan habang nakikipag-ugnayan sa bata, dahil
dito mapapaganda ang komunikasyon ng magulang at anak!
Pinakamamahal ng magulang ang mga anak, ngunit kung paano
tantyahin ang dibisyon ng pag-disiplina sa kanila, ito ang
paksang nagpapasakit sa ulo ng mga magulang.
66 67