Page 34 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 34

□ 3. Kapag nagkaroon ng hidwaan ang mga bata, hayaan lamang
                 sila makipag-ayusan at lutasin ang problema.

            □ 4. Kapag may hidwaan ang mga bata, kahit ano mang kadahilanan,
                 pinaparusahan silang lahat.

            Mangyaring bigyan pansin, ang mga nabanggit na sitwasyon na
            maaaring maging dahilan ng hidwaan sa mga magkakapatid.


                Tulungan magsanay ang mga bata ng mabuting kapatiran.
                Maaari mong gawin ang mga sumusunod:

            ①   Kapag may hidwaan ang magkakapatid, dapat pakinggan
                ng magulang ang saloobin o opinyon ng mga bata at huwag
                hatulan kung sino ang mali at sino ang tama.

            ②   Dapat tulungan ng mga magulang ang mga bata lutasin ang
                dahilan ng hidwaan at sa tamang pagkakataon turuan na pag-
                usapan kung paano lutasin ang hidwaan.

            ③   Maaari din sa pamamagitan ng kwento o panglarawang aklat,
                talakayin ng magulang kung paano turuan ang mga bata lutasin
                ang hidwaan, at kung paano ibalik ang dating damdamin
                pagkatpos malutas ang hidwaan.

            ④  Sa pamamagitan ng laro, sanayin ang magkapatid na matutong
               gamitin ang yaman ng kapatiran at magtulungan, tulad ng
               pagbuo ng puzzle at ng bloke.

            ⑤  Kailangan din may galang at respeto sa pagitan ng magkakapatid
               sa pang araw-araw na buhay. Palaging magsambit ng salitang
               "paki", "salamat", "paumanhin".


               Kailangang tanggapin ng mga magulang na natural lamang
               ang munting hidwaan sa magkakapatid. Sa oras na nahaharap
               ang magkapatid sa hidwaan, turinging isang magandang
               pagkakataon na matutunan ng magkakapatid kung paano
               lutasin ang problema.
           34                                                                                                                                                35
   29   30   31   32   33   34   35   36   37   38   39