Page 35 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 35

□ 3. Kapag nagkaroon ng hidwaan ang mga bata, hayaan lamang
 sila makipag-ayusan at lutasin ang problema.

 □ 4. Kapag may hidwaan ang mga bata, kahit ano mang kadahilanan,
 pinaparusahan silang lahat.

 Mangyaring bigyan pansin, ang mga nabanggit na sitwasyon na
 maaaring maging dahilan ng hidwaan sa mga magkakapatid.


 Tulungan magsanay ang mga bata ng mabuting kapatiran.
 Maaari mong gawin ang mga sumusunod:

 ①  Kapag may hidwaan ang magkakapatid, dapat pakinggan
 ng magulang ang saloobin o opinyon ng mga bata at huwag
 hatulan kung sino ang mali at sino ang tama.

 ②  Dapat tulungan ng mga magulang ang mga bata lutasin ang
 dahilan ng hidwaan at sa tamang pagkakataon turuan na pag-
 usapan kung paano lutasin ang hidwaan.

 ③  Maaari din sa pamamagitan ng kwento o panglarawang aklat,
 talakayin ng magulang kung paano turuan ang mga bata lutasin
 ang hidwaan, at kung paano ibalik ang dating damdamin
 pagkatpos malutas ang hidwaan.

 ④  Sa pamamagitan ng laro, sanayin ang magkapatid na matutong
 gamitin ang yaman ng kapatiran at magtulungan, tulad ng
 pagbuo ng puzzle at ng bloke.

 ⑤  Kailangan din may galang at respeto sa pagitan ng magkakapatid
 sa pang araw-araw na buhay. Palaging magsambit ng salitang
 "paki", "salamat", "paumanhin".


 Kailangang tanggapin ng mga magulang na natural lamang
 ang munting hidwaan sa magkakapatid. Sa oras na nahaharap
 ang magkapatid sa hidwaan, turinging isang magandang
 pagkakataon na matutunan ng magkakapatid kung paano
 lutasin ang problema.
 34                                                                       35
   30   31   32   33   34   35   36   37   38   39   40