Page 78 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 78
Dapat bigyan ng pansin ng mga magulang ang mga
sumusunod na panuntunan kapag ang mga anak ay
humihiling ng celfon o tablet.
① Maaaring gumawa ng mga patakaran ang mga magulang sa
paggamit ng produktong 3C, tulad ng oras sa bawat paggamit,
ano ang mga nilalaman, saan lugar sa bahay maaaring gamitin
o hindi maaaring gamitin.
② Ang mga magulang ay dapat maging mga modelo. Itago ang
celfon upang samahan ang mga bata sa paglalaro, pagbabasa
o panlabas na aktibidad.
③ Samahan pa ang iyong mga anak, obserbahan ang kanilang
mga interes o libangan, at gamitin ang kanilang mga interes o
libangan bilang premyo sa halip na mga 3C na produkto bilang
gantimpala.
④ Kapag ang mga bata ay nagiging emosyonal, dapat mong
subukan na unawain ang mga pangangailangan ng mga bata o
kundisyon, upang matulungan ang mga bata na magkaroon ng
tamang pagpahayag na emosyonal at hindi ang pagpayag sa
pagamit ng mga produktong 3C bilang isang pansamantalang
tagapag-alaga.
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, hindi
natin ganap na mapigilan ang mga bata na gumamit ng mga
produktong 3C. Ang importante ay kung paano ito gamitin ng
maayos.
78 79