Page 79 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 79

Dapat bigyan ng pansin ng mga magulang ang mga
 sumusunod na panuntunan kapag ang mga anak ay
 humihiling ng celfon o tablet.

 ①  Maaaring gumawa ng mga patakaran ang mga magulang sa
 paggamit ng produktong 3C, tulad ng oras sa bawat paggamit,
 ano ang mga nilalaman, saan lugar sa bahay maaaring gamitin
 o hindi maaaring gamitin.

 ②  Ang mga magulang ay dapat maging mga modelo. Itago ang
 celfon upang samahan ang mga bata sa paglalaro, pagbabasa
 o panlabas na aktibidad.

 ③  Samahan pa ang iyong mga anak, obserbahan ang kanilang
 mga interes o libangan, at gamitin ang kanilang mga interes o
 libangan bilang premyo sa halip na mga 3C na produkto bilang
 gantimpala.

 ④  Kapag ang mga bata ay nagiging emosyonal, dapat mong
 subukan na unawain ang mga pangangailangan ng mga bata o
 kundisyon, upang matulungan ang mga bata na magkaroon ng
 tamang pagpahayag na emosyonal at hindi ang pagpayag sa
 pagamit ng mga produktong 3C bilang isang pansamantalang
 tagapag-alaga.


 Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, hindi
 natin ganap na mapigilan ang mga bata na gumamit ng mga
 produktong 3C. Ang importante ay kung paano ito gamitin ng
 maayos.













 78                                                                       79
   74   75   76   77   78   79   80   81   82   83   84