Page 88 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 88

Anong dapat kong gawin kung                                                         Suriin natin ang pakikipag-ugnayan ng bata sa ibang tao:
            hindi marunong makisama sa                                                          □ 1.  Sa oras ng mga aktibidad, ang bata ay palaging malayo sa
                                                                                                     ibang bata.
            ibang bata ang anak ko?
                                                                                                □ 2.  Bihirang nababanggit ang ibang kamag-aral o kung paano
                                                                                                     ang kanilang pakikisalamuha.

                                                                                                □ 3. Hindi nakikibahagi sa kanyang mga laruan, hindi rin ibig
                                                                                                     magkaroon ng bagong kaibigan.

                                                                                                □ 4. Hindi kusang sumasali sa mga laro or aktibidad ng ibang
                                                                                                     bata.

                                                                                                □ 5. Hindi marunong kusang tumulong o mangumusta sa ibang
                                                                                                     bata.

                                                                                                Ang mga pakikipag-ugnayang pansarili ay maaaring makaapekto
                                                                                                sa pag-aaral, kalooban at kalusugan ng isang tao. Maaari mong
                                                                                                samahan ang iyong mga anak na malusutan ang mga paghihirap
                                                                                                at matulungan silang bumuo ng mahusay na mga kasanayan sa
                                                                                                pakikipag-ugnay sa lipunan. Ngunit tandaan na bigyan ang iyong
                                                                                                mga anak ng mas maraming oras upang umangkop at magsanay.


                                                                                                    Maaaring tulungan ang bata na magtatag ng mabuting
                                                                                                    pakikipag-ugnayan. Pwede mong gawin ang sumusunod:

                                                                                                ①  Hanapin ang kadahilanan na nagpapahirap sa bata kung paano
                                                                                                   makipag-ugnayan, tulad ng katangian ng ugali, kakulangan ng
            Sabi ng anak ko: "Walang gustong makipaglaro sa akin sa                                pagsasanay sa lipunan o kakulangan ng karanasan.
            kindergarten." Sabi ng guro na ang anak ko ay lagi na lang
            nakatingin sa mga kamag-aral na naglalaro, ayaw niyang                              ②  Kung kalikasan sa bata na maging mahiyain, maaari mong
            kusang lumapit at makipaglaro. Ano ang dapat kong gawin                                bigyan ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ibang bata,
            upang matulungan ang anak ko na matutong makihalubilo?                                 tulad ng pagpunta sa palaruan, bulwagan para sa magulang
                                                                                                   at anak. Palakihin ang pagkakataon na matutong makipag-
                                                                                                   ugnayan.



           88                                                                                                                                                89
   83   84   85   86   87   88   89   90   91   92   93