Page 20 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 20
④ Maaari ring imbitahan ang bata na makilahok sa paghanda Anong dapat kong gawin kung
ng pagkain. Hayaang masiyahan ang bata sa paghanda at
pagluto ng pagkain, para rin hindi magkaroon ng pagkakaibang palaging mabagal kumilos ang
pakiramdam sa mga sangkap, Sa ganitong paraan ay maaaring
mabawasan ang pagpili sa pagkain. anak ko?
⑤ Maliit lang ang sikmura ng bata, kung kaya't dapat tamang
dami at sa tamang oras lamang ang pagkain ng meryenda o
chichirya.
⑥ Kumain kasama ang ibang mga kasapi ng pamilya, at pasanayin
ang ating anak na umupo at kumain sa isang nakapirming
upuan.
⑦ Maging magandang halimbawa sa bata. Huwag din maging
mapili sa pagkain ang magulang. Iwasan din na maging
mapagpintas sa pagkain sa harap ng bata para maiwasan na
maging negatibo ang pag-iisip sa naturang pagkain.
⑧ Maging halimbawa sa ating anak. Huwag maging mapili sa mga
pagkain, at iwasan ang pagpuna sa kalidad ng pagkain sa harap
ng bata, upang mabawasan ang negatibong kaugnayan ng bata
sa pagkain.
Sikaping gawing kaaya-aya at masaya ang paligid habang
kumakain, upang mabawasan ang kaba at pakikipaglaban ng
bata, at ganahang kumain ang bata.
"Paki bilisan naman ang kilos mo!" pamilyar sa pandinig ang
mga salitang ito! Siguradong palagi itong sinasabi ng mga
magulang dahil palaging mabagal kumain ang bata, babagal-
bagal din magsuot ng damit, ang bagal din gumuhit ng larawan,
inaabot ng kalahating araw. Halatang masyado nang nahuhuli,
bakit ba ang bagal pa rin ng bata?! Bigo at kawalan ng paraan
ang nararamdaman ng mga magulang. Ano ba ang dapat
gawin?!
20 21