Page 26 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 26

③  Magsimula sa pagbibigay ng simpleng trabaho o ng simpleng                        Ano ng dapat kong gawin kung
               gawain ang bata, tulad ng: pagligpit ng mga laruan, pagpunas
               ng lamesa at upuan, pagbalik sa pinagkunan ang mga gamit,                        walang pasensya ang anak ko?
               atbp. Unti-unting dagdagan ang trabaho o gawain alinsunod sa
               kanyang edad.


            ④  Huwag maging mikropono ng iyong anak. Kung mayroon kang
               dapat iparating sa guro ng iyong anak, subukang hayaan ang
               bata na gawin ito, at isulat lamang sa communication notebook
               upang bigyang-pansin ng guro.

            ⑤ Hayaang maging responsable ang bata sa kanyang pag-uugali.
               Hayaang maranasan niya ang resulta ng kaniyang desisyon,
               tulad ng hindi pagsunod sa usapan na ililigpit ang mga laruan;
               itago ng panandalian ang kanyang mga laruan, huwag siyang
               paglaruin. Dapat niyang matutunan na mawawalan siya ng
               karapatan bilang resulta ng hindi niya sinunod ang pinag-
               usapan.




               Ang kakayahan ng bata ay naiipon mula sa pang araw-araw na
               buhay at mula sa kaniyang mga pagkakamali. Kailangan na may
               pasensya ang magulang at kailangang bigyan ng pagkakataon
               at panahon ang bata na matuto nang husto.



                                                                                                "Gutom na ako, bakit wala pa yung pagkain?"、"Pwede na ba?
                                                                                                Itay, Inay, bilisan ninyo, ayaw ko nang maghintay!" Naniniwala
                                                                                                akong pamilyar sa inyong tenga ang mga usaping ito. Sa
                                                                                                maraming lugar na kailangang maghintay, palagi na lang
                                                                                                hindi makatiis o nawawalan siya ng pasensyang maghintay
                                                                                                at umiiyak, o kaya naman interesado lang sa umpisa sa kahit
                                                                                                anong bagay. Sumasakit ang ulo ng mga magulang, hindi na
                                                                                                talaga alam kung paano tuturuan ang bata.



           26                                                                                                                                                27
   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   31