Page 27 - 我和我的孩子:一本給家長的手冊(幼兒篇)菲律賓文版
P. 27

③  Magsimula sa pagbibigay ng simpleng trabaho o ng simpleng   Ano ng dapat kong gawin kung
 gawain ang bata, tulad ng: pagligpit ng mga laruan, pagpunas
 ng lamesa at upuan, pagbalik sa pinagkunan ang mga gamit,   walang pasensya ang anak ko?
 atbp. Unti-unting dagdagan ang trabaho o gawain alinsunod sa
 kanyang edad.


 ④  Huwag maging mikropono ng iyong anak. Kung mayroon kang
 dapat iparating sa guro ng iyong anak, subukang hayaan ang
 bata na gawin ito, at isulat lamang sa communication notebook
 upang bigyang-pansin ng guro.

 ⑤ Hayaang maging responsable ang bata sa kanyang pag-uugali.
 Hayaang maranasan niya ang resulta ng kaniyang desisyon,
 tulad ng hindi pagsunod sa usapan na ililigpit ang mga laruan;
 itago ng panandalian ang kanyang mga laruan, huwag siyang
 paglaruin. Dapat niyang matutunan na mawawalan siya ng
 karapatan bilang resulta ng hindi niya sinunod ang pinag-
 usapan.




 Ang kakayahan ng bata ay naiipon mula sa pang araw-araw na
 buhay at mula sa kaniyang mga pagkakamali. Kailangan na may
 pasensya ang magulang at kailangang bigyan ng pagkakataon
 at panahon ang bata na matuto nang husto.



            "Gutom na ako, bakit wala pa yung pagkain?"、"Pwede na ba?
            Itay, Inay, bilisan ninyo, ayaw ko nang maghintay!" Naniniwala
            akong pamilyar sa inyong tenga ang mga usaping ito. Sa
            maraming lugar na kailangang maghintay, palagi na lang
            hindi makatiis o nawawalan siya ng pasensyang maghintay
            at umiiyak, o kaya naman interesado lang sa umpisa sa kahit
            anong bagay. Sumasakit ang ulo ng mga magulang, hindi na
            talaga alam kung paano tuturuan ang bata.



 26                                                                       27
   22   23   24   25   26   27   28   29   30   31   32